Shop at RedBubble

Friday, July 30, 2010

Maligayang Kaarawan, Ka Joel!

Sa wakas, kuwarenta ka na rin!
Aking sinapit ilang taon na kung turingin
At simpleng handaan din
Gawa ng mga mahal sa akin.

Pareho pa rin maraming bagay sa atin
Bukod sa paghihirap sa De La Salle
At hangad na pagbabago sa lipunan,
Awit at tula sa ati'y parang dasal
Tamis ng huni at sambit sa umaga,
Kasing-sarap ng mainit na pandesal.

Ang pagkakaiba lamang natin
Pagtuturo'y di nakakapagod sa akin
Lalo't mga mag-aaral may tanging angkin.
Ang paglalayag marahil ay naiiba
Nagbibigay ng ibayong sagana.
Isa kasi akong dandelion, umuusbong dito at doon.

Maligayang kaarawan, Ka Joel!
Nais mo bang tumungo sa Cyprus bilang fruit picker?
O sa Australia o New Zealand bilang cow herder?
Tanawin ang mga bituin paghiga sa damuhan
Handugan ng awit at tula ang kalikasan?
Anumang direksyon o simulain and naisin mo
Ka Joel, dangal at ligaya laging nasa iyo.

Maligayang kaarawan, Ka Joel!
Isang paalala mula sa dating kamag-aral:
Laging may katuturan ang iyong pag-iral
Tingnan mo ang iyong tahanan at mag-aaral,
Pakinggan mo ang iyong musika't tula... at isigaw:
"Higit pa sa makahulugan...
... aking pag-iral!"
Jamison/07/30/2010

No comments:

Post a Comment