Shop at RedBubble

Saturday, July 31, 2010

Ang Paglipad

Okey kung ang runway ay patag at tuyo
Hindi basa at madulas dahil sa ulan o snow.
Fasten your seatbelt, lean back and relax...
At chewing gum huwag kalimutan.

Makinig sa attendant at sundin ang hagubilin
Patayin ang cellphone kung ayaw mong ika'y pababain.
Manood sa demo kung paano suutin
Oxygen mask at life vest 'di mo man naisin.

Pagpasensiyahan ang bagal ng takbo o taxi sa runway
Maya-maya lamang ay hihiyaw ang makina't
Tatakbong parang fighter plane
At aangat ang tone-toneladang metal...







Sa ere'y kay ganda ng ulap, ang sarap ipinta sa canvas.
Ang ibaba'y depende sa lugar
May kulay ba ng bahag-hari dagat at taniman?
O kulay kalawang bubong na salan-salan?

Kung walang matanaw dahil gabi,
O 'di kaya'y sa pakpak nakatabi,
Makinig sa musika o manood ng sine
Tatlo o anim na pelikula pwedeng tapusin
Kung Pacific o Atlantic ay tatawirin.

Depende siyempre kung may bayad ang headphones,
O pay per view ang mga palabas.
Kung gayo'y magbasa o matulog gawing hilig
Pasakan ang tenga kung may himihilik,
Katabing madaldal, o sanggol na 'di matahimik.

Fasten your seatbelt...
Magkaminsa'y may turbulence
Huwag isipin kanta ni Alanis Morissette:
"Mr. Play It Safe was afraid to fly
He packed his suitcase and kissed his kids goodbye
He waited his whole damn life to take that flight
And as the plane crashed down he thought
'Well isn't this nice...'
And isn't it ironic... don't you think"
Makakarating din naman kahit saan
Biyaheng langit man o tamang daan...

Fasten your seatbelt, lean back and relax...
Dahil sa wakas, you're ready to land
Kagulat-gulat man ang touchdown,
Piloto'y pasalamatan na lang
Lalo na't ika'y buo pa rin, 'di pira-piraso
Lagi sanang ganyan sa tuwing paglipad mo. Jamison/07/31/2010

No comments:

Post a Comment